Tuesday, April 21, 2009

may nag wish lang nito...

...dahil yata ito dun sa post na "my sgt at arms" nabasa nya kaya eto na inspire yata sa story ng buhay nya...medyo mahaba itong dalawang kasunod na blog...yung iba interesado talagang magbasa ng blog...yung iba walang magawa...nagpapalipas ng oras kaya nagbabasa basa na lang... ano man ang ating mga dahilan...kahit paano meron tayong natutunan kahit paano...natutuwa ako sa mga reactions nyo...next time..pag may nag request ulit baka maningil na ako hehehe o kaya magtayo na kayo ng fundacion ng mga torpe....hehehehe!!!!

paano kung hindi na uso ang texas bubble gum at ang lemon kendi ay dalawang piso na ang isa?...(eto na po ang hiling nyo)

para kang nakipag usap sa hanging dumampi sa iyong pisngi
hindi mo masabi kung paano ka napaginhawa ng hangin ...

tulad ng bulaklak na maganda sa iyong paningin
hindi mo masabi kung gaano ka naaaliw sa tuwing
masisilayan mo ang kanyang pamumukadkad ...

gaya ng huni ng ibon sa may bintana kapag umaga
hindi mo maiparamdam kung gaano nagiging musika
sa iyong tenga ang kanilang mga awit...

pero hindi tayo hangin
hindi tayo bulaklak
at hindi rin tayo mga ibon...

paano pa't binigyan tayo ng puso at bibig
para maipahiwatig ang ating mga narararamdaman...
sa buhay...mayroon tayong karapatang pumili...
tama man o mali ang ating pipiliin....

kung pinili mong itago ang iyong damdamin...
sa wakas ay wala kang dapat sisihin...

bakit nga ba may mga ganitong pagakakataon?
sadyang mahiwaga talaga ang buhay ng tao...
subalit sa mundo...hindi natin maiiwasan ang magtanong-
paano kaya kung nasabi ko? paano kung nalaman nya?
nagkaroon kaya ng pagkakataon?
walang kasagutan sa mga tanong na ito...

sa tuwinang maalala mo itong storya mo
maglakip ka ng dasal para sa mahal mo
...alam kong di maiwasan ang kaunting luha
subalit sana sa bawat patak ng luha ay tapatan mo
ng ngiti...dahil alam naman nating masaya sya...


may mga pangyayari sa ating buhay na nagtuturo sa atin
ng aral...marahil ito ang tamang panahon para
sabihin mo sa iyong kabiyak kung gaano mo sya kamahal
sa iyong mga anak-kung gaano ka nagpapakahirap magtrabaho
para sa kinabukasan nila...bago pa dumating muli ang
isang pagkakataong sa palagay mo ay nasayang noon...

walang anuman ito...para sa iyo at para sa kanya...

ang post na ito ay ang simula ng "paano kung hindi na uso ang texas" medyo mahaba pero ito na siguro ang makapag papaluwag sa damdamin nya..maganda...

Hay, pano ko ba ito uumpisahan? Story ito ng aking buhay pag ibig nung ako ay bata pa,he,he,he…Kung sabagay, bata pa din naman ako ngayon he,he,he…Simulan ko nung nasa elementarya pa lang ako, mga ? taon na ang nkakaraan..basta uso pa nun ang “bubblegum” na texas at lima singko pa ng lemon na kendi…he,he,he..

Nasa ika anim na baitang ako nung una kong mapansin ang kagandahan ng isang babae. Kaklase ko sya mula unang baitang hanggang sa ika anim, pero nung ika apat na baitang, di na kami mag kaklase. Ewan ko ba kung ano nangyari nung taon na yun at nagka hiwahiwalay kami. Basta ang alam ko nahihiya na ko sa kanya mula pa nun at bihira akong makipag usap sa kanya kasi pakiramdam ko malulusaw ako kapag magkaharap kami. Yun pala palatandaan na pala yun na “in love” ako sa kanya, ayaw ko lang aminin sa sarili ko na sa ganung edad ay mayroon na akong nagugustuhan…Hay buhay….

Sabagay nung mga panahon na yun talagang hindi pa yata “normal “ yung ma “in love”. Pero naranasan ko na yun sa kanya. Hanggang mag high school kami, at mapalad naman at lagi kami magkaklase. Sa ganda at talino nya, lahat yata ng kaklase ko (di lang nga pala mga kaklase ko) ay may gusto sa kanya. Di ko lang alam kung sino naglakas ng loob na lumigaw sa kanya, basta ang alam ko di ko kaya manligaw kasi nga yung nanay nya e “teacher” namin, he,he,he,he..mahirap na at baka masermunan pa ko lalo na akong matorpe, he,he,he..Ang hirap nga nun kasi halos naiisip ko na lahat ng paraan para lang makita ko sya. Nandun na tuwing pag pasok sa eskuwela ay tiyempuhan ko sya sa paglabas sa tarangkahan ng bahay nila. O kaya pag uwi ay aabangan ko sya para lang makita ko sya bago ko makauwi ng bahay. Tapos pag di pa ako makatiis manghihiram pa ako ng bisikleta sa kuya ko (na ako ang unang nakasira dahil sa madalas na pag gamit,hehehehe) para lang dumaan dun sa tapat ng bahay nila at nagbabakasakali na masisilayan ko sya. Kapag na tyempuhan ko sya na lumabas ng bahay nila eto naman ako na parang tanga na nagdudumali na wag magpakita. Halos mabangga na ko at madapa sa pag iwas na makita nya ko.mula 1st year hanggang 4th year ganun ang gawain ko. Di ko nga alam kung sino ang nakakahalata nun basta ang alam ko, walang nakakaalam na may gusto ako sa kanya. Wala akong masasabi sa kanya,matalino, maganda, mabait, basta ideal girl sya para sa lahat. Nung nasa 2nd year kami, nagkaron ng chance na magkasama kami sa isang group para sa isang report na gagawin namin.

Sabi nya pinili daw nya ko para maging member ng group nya (lipad ako nun, parang nasa langit yata pakiramdam ko nun). Ako daw kasi yung marunong mag gawa ng poster o mag drawing (ngek, kaya pala) kaya ako pinili nya. Pero gayun pa man, masaya pa din ako at di mababayaran yung oras na yun kasi yun yung time na mahaba ang oras ng paguusap namin (ng dahil sa report,hehehehe). Nag 3rd year na nga kami at yung mga pinsan naman nya at ate nya yung nakasama ko sa isang partido para sa election ng student council. Di ko nga alam bakit ako nakuha e, pero sumali pa din ako kasi nga chance yun para makikita ko sya ng madalas. Ha,ha,ha, talo ako kasi kalaban ko anak ng teacher e, ha,ha,ha…Dumating ang 4th year, eto na ang maganda tungkol sa student council election. Di na ko kasali (alam nila wala ko alam dyan kaya siguro). Wag na tong part na ito kasi ayaw ko na maalala yung nangyari e…basta malungkot…Isa pang di ko malilimutan ay yung naging corps commander naming sya, 1st time yata sa history ng school na babae yung naging leader namin. And I was really very proud nun sa kanya kahit di nya alam yun.

Maswerte pa din ako kasi isa ako sa mga staff officers nya as in feel na feel ko talaga at kami yata dalawa bida dun kasi ako yung staff nya na mag sisimula ng tactical inspection para sa battalion formation(tama ba yun?) Ewan ko basta alam ko kaming dalawa yung nag lead nun kasi sa akin mag start yung exercise na yun at sa kanya magtatapos, di ba ok yun? Madami pa ko gawa na paraan para makita ko lang sya, nandun na sabayan ko pa yung time ng pagsisimba nilang pamilya. Lagi ako dun nakatingin sa side kung saan sila madalas naka upo at ako laging nakatayo kahit maraming upuan na bakante para lang makita ko sya. Pati sa pagsama sa mga prusisiyon ginawa ko para lang kahit pano makita ko sya. At madalas nga na pag di ako nakakasama sa prusisyon nagaabang ako sa tapat ng bahay namin para pag daan ng prusisyon makikita ko sya, syempre di nya yun alam kasi nagtatago ako. Ayaw ko makita nya na tinitingnan ko sya….GANUN AKO KA TORPE…Hanggang mag college dala dala ko pa din yun at lumipas na yung maraming taon. Meron pa ngang time na nagpadala ko ng Christmas card at sulat na di ko alam kung makakarating o nakarating e. Basta di ako nagkalakas ng loob na manligaw man lang sa kanya…at yun ang pinakamalaking pagsisisi at pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko. Di ko man lang nabigyan ng chance yung sarili ko at yung nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko nga san sya nag college at malapit lang yun sa tinitirahan ko. Nagbabakasali pa din ako na isang araw makikita ko sya at matyempuhan at dun na mag uumpisa na masabi ko sa kanya yung nararamdaman ko. Kaso mukhang walang swerte na dumapo sa akin. Di ako nagka chance na magkita at magkausap kami. Di ko man lang nasabi sa kanya kung gano ko sya kamahal. Lumipas pa ang mga taon, akala ko ay mkakalimutan ko na sya kasi nagplano na ko na magbuo ng pamilya…

Mali na naman ako, hay…kelan ba ako tatama? Nag subok ako na mangibang bansa sa inaakalang malilimutan ko sya pero di talaga ganun kadali yun. Nagbakasyon ako after 1 year at pinilit ko na hanapin sya. Ayun sa pagtyatyaga ko na hanapin sya, nagbunga naman. Nagkita kami sa bangko na pinagtatrabahuhan nya at kunyari nag open pa ko ng account. Di ko na nga alam kung ano na nangyari sa account na yun. Basta ang intension ko lang ay makita at makusap sya kahit sandali at super saya ko nung araw na yun. Dun ko lang kasi sya nakita at natitigan ng mabuti at malapitan ng matagal…Pero sa sobrang takot ko talaga sa kanya, di ko pa din nasabi sa kanya yung nararamdaman ko….TORPE pa din, kala ko nagbago na ko e…Bumalik na ko ulit sa trabaho ko sa ibang bansa at dun ko nalaman na “wala na pala sya”..Binalita lang sya sa akin ng nanay ko at di ko alam gagawin ko nun. Bigla na lang dumilim yung sarili ko nun. Kaya nung makauwi ako sa amin, di ko pinalampas na di ko dalawin yung puntod nya.

Minsan may nakakita sa akin na kaibigan nya habang papunta ako sa sementeryo at binati ako at nagsabi na “di pa ba tapos yan?” Shock ako, may nakakaalam pala nun? Di ko alam kung sino sino pa ang nakaka alam nun at di ko na inalam pa. Tuwing may chance ako na makuwi ay dumadalaw pa din ako sa puntod nya, wala nga lang ako dala na flowers kasi ayaw ko pa din may makaalam. At tuwing dadalaw ako sa kanya, dun ko na lang sinasabi sa sarili ko (torpe talaga) kung gaano ko sya kamahal at hanggang ngayon di yun nawawala. Ewan ko ba kung tama ito pero wala akong magawa para pigilin ko yung nararamdaman ko. Marami na ring babae na dumaan sa buhay ko pero iba pa din yung naramdaman ko sa kanya…na di ko man lang nasabi sa kanya….at di ko din nalaman kung ganun din ba sya sa akin. Pero ok na yung di ko malaman yung nararamdaman nya basta alam ko masaya na sya sa piling ng ating Panginoon…At least ngayon may pinagsabihan na ko kung gano ko sya kamahal at isa sya sa mga malalapit sa kanya.

Alam ko, na kung sino man yung nakakaalam nito maaring may masabi…di man kumpleto ito pero ito yung natatandaan ko. Sana lang walang magagalit sa akin at sana lang maintindihan ako dahil gusto ko lang ipaalam sa mga makakabasa kung gano ko minahal yung babaeng ito. Tama na nga ito at naiiyak na ko at baka maya may bumatok sa akin dito…(paki edit mo na lang ha?pati yung mga una kong kwento syo…magtutugma naman yun dito sa story ko e kaya kaw na bahalang magdagdag o magbawas…may alam ka naman kahit papaano) Salamat po at kung meron ako nasabi na di maganda dito sorry po at paki delete na lang ha?thank you very much po, and Godbless..

*** She will always be in my heart, she will always be a part of my life and I will love her for the rest of my life***

Monday, April 20, 2009

para maintindihan nyo ang kasunod na blog!

di ko yata alam kung pano ko uumpisahan. eto nanaman ako. parang nagiging torpe. gaya siguro ng nangyari ung high school days pa. di ko alam kung pano kita iapproach at kung pano ako magmomove. kahit na nagkasama tyo sa election ng student council di ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. during the time na nagpapractice tyo masaya at excited lagi ko dahil makikita kita at kahit papano magkakausap. kaya lang after that parang naging mailap na ang pagkakataon. lagi ko na lang na inaantay na makita kita na naka upo sa may flag pole kasama nila myra, arlene at reggie. dun pa lang na liligayahan na ko. nag join ako ng COCC kahit na di ko type ang training. kasi alam ko nandun kyo. ewan ko ba? siguro ligaw tingin na lang ako nun. may J.S. promp akala ko may chance na makakausap kita. kaya lang parang di naman kita nakita nun. sayang akala ko maisasayaw kita. graduation ball nyo. nagpunta rin ako kahit na di ako kasali dun. trying na makausap ka ulit at maisayaw. hay naku! wala pa rin. kaya sabi ko sa sarili ko wala nga yatang talagang chance. lalo na mag cocollege ka na. alam kong sa st.paul Q.C. ka papasok.kaya naman ung nagcollege na rin ako hoping pa rin na isang araw makita kita sa aurora blvd. na naglalakad kaya. at magkausap na tyo. pero di pa rin nangyari.
may mga pagkakataon din na nakikita kita sa simbahan kasama mo mommy mo magsimba. one time nga kung naaalala mo kinuha pa kong mag escort sa sagala. dinaanan nyo ko sa may side ng simbahan medyo nagkatingnan tyo. sabi wow atlast nakita ulit kita. may kilig ba. hehehe. nakakatuwa lang kahit na mababaw ung mga un pero may kilig na nararamdaman.kahit na di binigyan ng chance. di ako nanghihinayang na sabihin ko sayo na ikaw ang 1st love ko. totoo yan.syo ko naramdaman un. siguro ngayon malakas na ang loob kong sabihin syo yan. imagine 2 dekada ko itong itinago. nakakatawa ba? marami mang nangyari at least ngayon kahit papano nailabas ko na rin ung totoo. hehehe sana nga nasabi ko syo kahit minsan lang na pwede ba kita ligawan? at may pag asa ba ko? gaya ng tanong ko syo kagabi. pano kung sabihin ko syo na........................................................... i love you.
kung dati pa sana lumakas ang loob ko. sana...........
ngayon matured na tyo sa mga bagay na ito. alam ko na naiintindihan mo ako. di ako nangugnulit ha. nag express lang nang nararamdaman. matagal na kasi e. kaya nga sabi ko syo gawan mo ng kweto at post mo sa blog mo. kwento ng na udlot na pag ibig.
salamat sa time ha. sana mas marami pang time na magka communicate tyo. at sana pag balik ko dyan may chance na magkita na tyo. ingat ka lagi. sa puso ko ikaw ang 1st love ko

ang aking sgt at arms!

A E A E A E I O U....naku paano ko ba sisimulan ito? ako yata'y medyo nalilito..tutula ba o mag ra rap ako, pero sige kahilingan mo kaya eto susubukan ko..noong high school natatandaan mo? mataas ang pangarap ko...tumakbo ako sa pag ka pangulo ng lapiang progresibo...vote vote vote progressive tayo!!!! at ikaw ang isa sa mga sgt at arms ko ...may presentation tayo...nagbakla baklaan kayo, natatandaan mo?...brown ang wig mo ang ganda ganda mo!! ang nakakatawa...natalo ako.. kasi mali yata ang tinakbuhan ko...dapat yata nag muse na lang ako...ho!ho!ho! Nang mag kolehiyo nagkahiwa hiwalay na tayo..sa maynila nakipag sapalaran tayo..noon landline lang ang telepono...ni ha ni ho walang hello hello! di ko na alam mga nangyari sa inyo..ilang taon ang lumipas nakapag tapos tayo...nagtrabaho...tuluyan ng nagkanya kanya...walang balitaan... hanggang isang araw sa internet na trace mo ako... di ko alam kung paano...at nang minsang maka pag chat tayo..ito ang hiling mo ang gawan ng blog ang email mo...di na ako nagulat sa storya mo...kasi naman halatang halata hano???????...ano ba yan para tuloy ang haba ng hair ko!!!! wala namang violent reaction dito..kapag nabasa ng tropa siguradong pagtatawanan ito..talagang sa buhay kabataan may dumadaang ganito...nakakatuwa lang lingunin paminsan minsan...may ngiti...kasi noon padaan daan lang ako at naghihintay may pumulot ng violet na keychain ko....hahaha...napapatawa naman ako...siguro kapalaran kong walang pumulot sa may flagpole...

..dalawampung taon na ang storyang ito.....hindi dahil sa may kanya kanyang buhay na tayo ay wala na tayong karapatang lingunin ang mga nakakatuwang naramdaman natin noon...may mga bagay na sadyang puso lang natin ang nakaka alam...gaano man ito katagal...gaano man tayo kalayo...kahit walang tulay na kayang tumawid...habang ikaw ay nabubuhay...kapag sumagi ito sa iyong isip....ngumiti ka at sabihin mong...ikaw pa rin ang first love ko....Ipamana mo sa mga anak mo ang istoryang ito....

Monday, April 13, 2009

para kay kaibigang eggie!

eggie...tagal na ng tulang ito.. "SA IYONG PAGDALAW" naalala ko kaya natin nagawa ito malungkot ako nuon...habang binabasa ko ng i post mo hinihintay kong may maramdaman ako...pero sadyang wala nang ibabalik sa tangkay ng panahon...ni kurot may wala ng saysay...ang sa akin ngayo'y pasasalamat...at bagong ngiti...lumabas ang talento natin sa pagsusulat ng tulang ito....wala pa yatang tatlong minuto nating binuo ito....nakaka aliw...galing ito sa puso ng dalawang magkaibigang pinag durugtong ng pasusulat ang buhay...

Sunday, April 12, 2009

Sa Iyong Pagdalaw

Paulit-ulit kitang hinahahap
sa tuwing pipikit ang aking mga mata.
Tanging ala-ala nagbabalik palagi
pero mabilis kang tumatalikod at lumalayo.
saan ka ba nagtutungo?
Tatakas ba? o Magkukubli lamang
sa pag-iisa upang di ko mabatid
ang damdaming mong itinatago
sa anino ng kahapon.

Hindi ka makawawala
magpumiglas ma'y patuloy
na magbabalik
dahil palagiaan tayong paglalapitin
ng hibla ng kapalaran
katulad ng mga alon sa pampang
o ng hanging dumadampi sa pisngi ng diwata
sa mga tumana at kabukiran
hanggang makarating sa ilang.

kung sakali mang ito ay dumatal
at hindi ko pa rin mahanap ang sagot…
kung hanggang saan at hanggang kailan ako pipikit

upang bubuuin ka nang pulit-ulit.

sa aking balintataw.

(nasulat ang tulang ito minsang walang magawa ang dalawang magkaibigan sa ym)
...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger