Tuesday, April 21, 2009

ang post na ito ay ang simula ng "paano kung hindi na uso ang texas" medyo mahaba pero ito na siguro ang makapag papaluwag sa damdamin nya..maganda...

Hay, pano ko ba ito uumpisahan? Story ito ng aking buhay pag ibig nung ako ay bata pa,he,he,he…Kung sabagay, bata pa din naman ako ngayon he,he,he…Simulan ko nung nasa elementarya pa lang ako, mga ? taon na ang nkakaraan..basta uso pa nun ang “bubblegum” na texas at lima singko pa ng lemon na kendi…he,he,he..

Nasa ika anim na baitang ako nung una kong mapansin ang kagandahan ng isang babae. Kaklase ko sya mula unang baitang hanggang sa ika anim, pero nung ika apat na baitang, di na kami mag kaklase. Ewan ko ba kung ano nangyari nung taon na yun at nagka hiwahiwalay kami. Basta ang alam ko nahihiya na ko sa kanya mula pa nun at bihira akong makipag usap sa kanya kasi pakiramdam ko malulusaw ako kapag magkaharap kami. Yun pala palatandaan na pala yun na “in love” ako sa kanya, ayaw ko lang aminin sa sarili ko na sa ganung edad ay mayroon na akong nagugustuhan…Hay buhay….

Sabagay nung mga panahon na yun talagang hindi pa yata “normal “ yung ma “in love”. Pero naranasan ko na yun sa kanya. Hanggang mag high school kami, at mapalad naman at lagi kami magkaklase. Sa ganda at talino nya, lahat yata ng kaklase ko (di lang nga pala mga kaklase ko) ay may gusto sa kanya. Di ko lang alam kung sino naglakas ng loob na lumigaw sa kanya, basta ang alam ko di ko kaya manligaw kasi nga yung nanay nya e “teacher” namin, he,he,he,he..mahirap na at baka masermunan pa ko lalo na akong matorpe, he,he,he..Ang hirap nga nun kasi halos naiisip ko na lahat ng paraan para lang makita ko sya. Nandun na tuwing pag pasok sa eskuwela ay tiyempuhan ko sya sa paglabas sa tarangkahan ng bahay nila. O kaya pag uwi ay aabangan ko sya para lang makita ko sya bago ko makauwi ng bahay. Tapos pag di pa ako makatiis manghihiram pa ako ng bisikleta sa kuya ko (na ako ang unang nakasira dahil sa madalas na pag gamit,hehehehe) para lang dumaan dun sa tapat ng bahay nila at nagbabakasakali na masisilayan ko sya. Kapag na tyempuhan ko sya na lumabas ng bahay nila eto naman ako na parang tanga na nagdudumali na wag magpakita. Halos mabangga na ko at madapa sa pag iwas na makita nya ko.mula 1st year hanggang 4th year ganun ang gawain ko. Di ko nga alam kung sino ang nakakahalata nun basta ang alam ko, walang nakakaalam na may gusto ako sa kanya. Wala akong masasabi sa kanya,matalino, maganda, mabait, basta ideal girl sya para sa lahat. Nung nasa 2nd year kami, nagkaron ng chance na magkasama kami sa isang group para sa isang report na gagawin namin.

Sabi nya pinili daw nya ko para maging member ng group nya (lipad ako nun, parang nasa langit yata pakiramdam ko nun). Ako daw kasi yung marunong mag gawa ng poster o mag drawing (ngek, kaya pala) kaya ako pinili nya. Pero gayun pa man, masaya pa din ako at di mababayaran yung oras na yun kasi yun yung time na mahaba ang oras ng paguusap namin (ng dahil sa report,hehehehe). Nag 3rd year na nga kami at yung mga pinsan naman nya at ate nya yung nakasama ko sa isang partido para sa election ng student council. Di ko nga alam bakit ako nakuha e, pero sumali pa din ako kasi nga chance yun para makikita ko sya ng madalas. Ha,ha,ha, talo ako kasi kalaban ko anak ng teacher e, ha,ha,ha…Dumating ang 4th year, eto na ang maganda tungkol sa student council election. Di na ko kasali (alam nila wala ko alam dyan kaya siguro). Wag na tong part na ito kasi ayaw ko na maalala yung nangyari e…basta malungkot…Isa pang di ko malilimutan ay yung naging corps commander naming sya, 1st time yata sa history ng school na babae yung naging leader namin. And I was really very proud nun sa kanya kahit di nya alam yun.

Maswerte pa din ako kasi isa ako sa mga staff officers nya as in feel na feel ko talaga at kami yata dalawa bida dun kasi ako yung staff nya na mag sisimula ng tactical inspection para sa battalion formation(tama ba yun?) Ewan ko basta alam ko kaming dalawa yung nag lead nun kasi sa akin mag start yung exercise na yun at sa kanya magtatapos, di ba ok yun? Madami pa ko gawa na paraan para makita ko lang sya, nandun na sabayan ko pa yung time ng pagsisimba nilang pamilya. Lagi ako dun nakatingin sa side kung saan sila madalas naka upo at ako laging nakatayo kahit maraming upuan na bakante para lang makita ko sya. Pati sa pagsama sa mga prusisiyon ginawa ko para lang kahit pano makita ko sya. At madalas nga na pag di ako nakakasama sa prusisyon nagaabang ako sa tapat ng bahay namin para pag daan ng prusisyon makikita ko sya, syempre di nya yun alam kasi nagtatago ako. Ayaw ko makita nya na tinitingnan ko sya….GANUN AKO KA TORPE…Hanggang mag college dala dala ko pa din yun at lumipas na yung maraming taon. Meron pa ngang time na nagpadala ko ng Christmas card at sulat na di ko alam kung makakarating o nakarating e. Basta di ako nagkalakas ng loob na manligaw man lang sa kanya…at yun ang pinakamalaking pagsisisi at pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko. Di ko man lang nabigyan ng chance yung sarili ko at yung nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko nga san sya nag college at malapit lang yun sa tinitirahan ko. Nagbabakasali pa din ako na isang araw makikita ko sya at matyempuhan at dun na mag uumpisa na masabi ko sa kanya yung nararamdaman ko. Kaso mukhang walang swerte na dumapo sa akin. Di ako nagka chance na magkita at magkausap kami. Di ko man lang nasabi sa kanya kung gano ko sya kamahal. Lumipas pa ang mga taon, akala ko ay mkakalimutan ko na sya kasi nagplano na ko na magbuo ng pamilya…

Mali na naman ako, hay…kelan ba ako tatama? Nag subok ako na mangibang bansa sa inaakalang malilimutan ko sya pero di talaga ganun kadali yun. Nagbakasyon ako after 1 year at pinilit ko na hanapin sya. Ayun sa pagtyatyaga ko na hanapin sya, nagbunga naman. Nagkita kami sa bangko na pinagtatrabahuhan nya at kunyari nag open pa ko ng account. Di ko na nga alam kung ano na nangyari sa account na yun. Basta ang intension ko lang ay makita at makusap sya kahit sandali at super saya ko nung araw na yun. Dun ko lang kasi sya nakita at natitigan ng mabuti at malapitan ng matagal…Pero sa sobrang takot ko talaga sa kanya, di ko pa din nasabi sa kanya yung nararamdaman ko….TORPE pa din, kala ko nagbago na ko e…Bumalik na ko ulit sa trabaho ko sa ibang bansa at dun ko nalaman na “wala na pala sya”..Binalita lang sya sa akin ng nanay ko at di ko alam gagawin ko nun. Bigla na lang dumilim yung sarili ko nun. Kaya nung makauwi ako sa amin, di ko pinalampas na di ko dalawin yung puntod nya.

Minsan may nakakita sa akin na kaibigan nya habang papunta ako sa sementeryo at binati ako at nagsabi na “di pa ba tapos yan?” Shock ako, may nakakaalam pala nun? Di ko alam kung sino sino pa ang nakaka alam nun at di ko na inalam pa. Tuwing may chance ako na makuwi ay dumadalaw pa din ako sa puntod nya, wala nga lang ako dala na flowers kasi ayaw ko pa din may makaalam. At tuwing dadalaw ako sa kanya, dun ko na lang sinasabi sa sarili ko (torpe talaga) kung gaano ko sya kamahal at hanggang ngayon di yun nawawala. Ewan ko ba kung tama ito pero wala akong magawa para pigilin ko yung nararamdaman ko. Marami na ring babae na dumaan sa buhay ko pero iba pa din yung naramdaman ko sa kanya…na di ko man lang nasabi sa kanya….at di ko din nalaman kung ganun din ba sya sa akin. Pero ok na yung di ko malaman yung nararamdaman nya basta alam ko masaya na sya sa piling ng ating Panginoon…At least ngayon may pinagsabihan na ko kung gano ko sya kamahal at isa sya sa mga malalapit sa kanya.

Alam ko, na kung sino man yung nakakaalam nito maaring may masabi…di man kumpleto ito pero ito yung natatandaan ko. Sana lang walang magagalit sa akin at sana lang maintindihan ako dahil gusto ko lang ipaalam sa mga makakabasa kung gano ko minahal yung babaeng ito. Tama na nga ito at naiiyak na ko at baka maya may bumatok sa akin dito…(paki edit mo na lang ha?pati yung mga una kong kwento syo…magtutugma naman yun dito sa story ko e kaya kaw na bahalang magdagdag o magbawas…may alam ka naman kahit papaano) Salamat po at kung meron ako nasabi na di maganda dito sorry po at paki delete na lang ha?thank you very much po, and Godbless..

*** She will always be in my heart, she will always be a part of my life and I will love her for the rest of my life***

3 comments:

  1. ay naiyak naman ako... that's what u call LOVE!!!

    ReplyDelete
  2. I just couldn't help not to comment on this blog.

    My friend's famous line about falling in love is, "It is better to have love and lost, than never to have love at all" to encourage me to court a girl whenever I fall in love with someone.. But the pain of being rejected is sometimes too much to bear. Especially to those guys who are built and design to love to last a lifetime.. Of course it is better to court, express or even say I love you to the person that you adore. Simply because that's the only way you would know if the girl of your affection feels the same way towards you. But what if she says, No! You resort to friendship hoping that the ember of love would once flicker when the right time comes? Or simply hide your frustration due to the embarrassment of being rejected? Either or, the status quo is to end up as friends.. But then again the true nature of man is to love. And that is the mere fact of our existence and why we were created by God, to experience the best feeling and gift of God. I think there are things that are better off unturned, what could be worst is that you don't know how to love...

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete

...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger