Paulit-ulit kitang hinahahap
sa tuwing pipikit ang aking mga mata.
Tanging ala-ala nagbabalik palagi
pero mabilis kang tumatalikod at lumalayo.
saan ka ba nagtutungo?
Tatakas ba? o Magkukubli lamang
sa pag-iisa upang di ko mabatid
ang damdaming mong itinatago
sa anino ng kahapon.
Hindi ka makawawala
magpumiglas ma'y patuloy
na magbabalik
dahil palagiaan tayong paglalapitin
ng hibla ng kapalaran
katulad ng mga alon sa pampang
o ng hanging dumadampi sa pisngi ng diwata
sa mga tumana at kabukiran
hanggang makarating sa ilang.
kung sakali mang ito ay dumatal
at hindi ko pa rin mahanap ang sagot…
kung hanggang saan at hanggang kailan ako pipikit
upang bubuuin ka nang pulit-ulit.
sa aking balintataw.
(nasulat ang tulang ito minsang walang magawa ang dalawang magkaibigan sa ym)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
About Me
...how can you be truthful to yourself...




ang tagal na ng tulang ito...kaya natin nagawa ito malungkot ako nuon naalala mo? pero sadyang mabilis ang panahon, hinawi na ng hangin ang lahat...hindi ko na alam parang wala nang ibabalik sa tangkay ng panahon...isa lang ang nasa puso ko ngayon...ang Pasasalamat ...at pagsilip sa bagong ngiti...pero lumabas ang talento natin dito...galing sa puso ito!!!
ReplyDeleteshocks! ang ganda.... u should see me now... naninigas mga dlairi ko sa paa sa sobrang kilig. hehehe! naimagine mo itsura ko nung college tayo pag kinikilig? heheheh
ReplyDelete