para kang nakipag usap sa hanging dumampi sa iyong pisngi
hindi mo masabi kung paano ka napaginhawa ng hangin ...
tulad ng bulaklak na maganda sa iyong paningin
hindi mo masabi kung gaano ka naaaliw sa tuwing
masisilayan mo ang kanyang pamumukadkad ...
gaya ng huni ng ibon sa may bintana kapag umaga
hindi mo maiparamdam kung gaano nagiging musika
sa iyong tenga ang kanilang mga awit...
pero hindi tayo hangin
hindi tayo bulaklak
at hindi rin tayo mga ibon...
paano pa't binigyan tayo ng puso at bibig
para maipahiwatig ang ating mga narararamdaman...
sa buhay...mayroon tayong karapatang pumili...
tama man o mali ang ating pipiliin....
kung pinili mong itago ang iyong damdamin...
sa wakas ay wala kang dapat sisihin...
bakit nga ba may mga ganitong pagakakataon?
sadyang mahiwaga talaga ang buhay ng tao...
subalit sa mundo...hindi natin maiiwasan ang magtanong-
paano kaya kung nasabi ko? paano kung nalaman nya?
nagkaroon kaya ng pagkakataon?
walang kasagutan sa mga tanong na ito...
sa tuwinang maalala mo itong storya mo
maglakip ka ng dasal para sa mahal mo
...alam kong di maiwasan ang kaunting luha
subalit sana sa bawat patak ng luha ay tapatan mo
ng ngiti...dahil alam naman nating masaya sya...
may mga pangyayari sa ating buhay na nagtuturo sa atin
ng aral...marahil ito ang tamang panahon para
sabihin mo sa iyong kabiyak kung gaano mo sya kamahal
sa iyong mga anak-kung gaano ka nagpapakahirap magtrabaho
para sa kinabukasan nila...bago pa dumating muli ang
isang pagkakataong sa palagay mo ay nasayang noon...
walang anuman ito...para sa iyo at para sa kanya...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
About Me
...how can you be truthful to yourself...




No comments:
Post a Comment