Wednesday, February 10, 2010

bored?

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid ay puno ng linga.

Ako ang nagsaing… iba ang kumain. Diet ako eh.

An apple a day is too expensive.

An apple a day makes seven apples a week.

Ang buhay ay parang bato, it’s hard.

Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.

Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment.

Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan… ay may stiff neck.

Ang taong nagigipit … sa bumbay kumakapit.

Ang taong naglalakad nang matulin… may utang.

Batu-bato sa langit, ang tamaan… sapul.

Behind the clouds are the other clouds.

Better late than later.

Better late than pregnant.

Birds of the same feather make a good feather duster.

Birds of the same feather that prays together … stays together.

Do unto others … then run!!!

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto … muta lang yan.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.

It’s better to cheat than to repeat!

Kapag ang puno mabunga … mataba ang lupa!

Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.

Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.

Matalino man ang matsing, matsing pa rin.

No guts, no glory… no ID, no entry.

No man is an island because time is gold.

Pag may usok … may nag-iihaw.

Pagkahaba haba man ng prusisyon … mauubusan din ng kandila.

To err is human, to errs is humans.

Try and try until you succeed… or else try another.

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.

When all else fails, follow instructions.

When it rains … it floods.

SALAWIKAIN. Please complete the sentence: Ang taong walang kibo…
A. nasa loob ang kulo.
B. ay ngo-ngo.
C. hindi naintindihan ang kwento.
D. may singaw sa nguso.
E. huminto ang puso.
F. ay dedo.
G. ay hindi naligo ...

Monday, February 8, 2010

"santino" (borrowed photos from julie anne-benitez)





Sa panahon ngayon bihira na sa mga telenovela ang inaabot ng isang taon sa ere. Hindi katulad noong panahon ni Floredeluna at Analiza na halos limang taon nang binubugbog ng madrasta ang bata ay hindi pa rin matagpuan ang tunay na kapatid o dili kaya ang tunay na kalayaan. Halos limang taon na puro kaning lamig ang kinakain, limang taon na naglalampaso ng sahig habang sinisipa sipa o kaya hinahagisan ng labada sa poso. Sa madaling salita limang taong hinahanapan ng wakas ang drama. Dahil sa maraming tumatangkilik at tubong lugaw ang mga network.

Hanggang dumating sa ating buhay si " SANTINO" . . . . Isang taon ang inabot nito at masasabi kong may mga ibang taong ayaw pa itong magwakas. Samut saring istorya ang pina ikot ikot na sa kabila ng alam nating pinahahaba na lamang ito ay patuloy pa rin nating pinanonod.

Ang akala ng lahat ay mamatay sya, maraming naloko.....subalit sya ay isang miracle boy ng Bagong Pag asa ...binuhay sya ni Bro.....hindi upang magpagaling ng mga may sakit kundi upang mabuhay na isang normal na bata....makatakbo.....makapaglaro....makapag palipad ng saranggola....

Nakaka miss naman ang boses ni Bro....

Saludo ako sa bumubuo ng crew ng Santino....kung nagtagal ako sa inyo baka naging bahagi rin ako ni Santino....sana makagawa ulit kayo ng ganito! Congrats!

Monday, February 1, 2010

is that you cherry?


WHAT MAKES SOME PEOPLE DEARER IS NOT JUST THE HAPPINESS WHICH YOU FEEL WHEN YOU MEET THEM....BUT THE PAIN YOU FEEL WHEN YOU MISS THEM....

Friday, January 29, 2010

"the handsome boatman"



....Where the castle looks out to sea.
I would swim over the deepest ocean
For my love to be with me......
But the sea is wide and I can not swim over
Nor have I the wings to fly......
I wish I had a handsome boatman.....
To ferry me over, my love and i....

I wish I was in the land of.......
Where the mountains reach the sea....
Where flowers blossom as I do remember.
Where my true love came to me.....

But the sea is wide and I can not swim over.
Nor have I the wings to fly....

To be together .. my love and i.....



I wish I was back home again.

Thursday, January 7, 2010

"bangag"



sa ilang dumatal ang di inaasahan
sa dilim ng mundo'y sumilip mula sa kawalan
nag akalang liwanag ay masusulyapan
subalit ang ngiti'y binawi sa karimlan

nalulunod sa dagat nang biglang may natanaw
akalang magsasagip ay biglang lumutang
ang bangka'y tumaob ang katig ay nalagot
di pa naka aaho'y ngayo'y muling nalulunod

mahirap kumapit sa hangi'y maglambitin
lalo pa't di marunong sumayaw sa saliw ng hangin
mahirap umawit ng walang himig
o di kaya'y tumakbo sa malalim na tubig

Saturday, January 2, 2010

2010



Sa pagpasok ng taong 2010 ...


1.) Uminom ng biogesic na hindi nakakaubos ng tatlong pitcher ng tubig
2.) Wag ng kumuha ng extra scoop ng ice cream kapag naka tatlong mug na ako
3.) Lumakad ng mahinahon kapag may kasalubong na aso
4.) Magbawas ng bling bling
5.) Wag bumili ng bagong bag sa taong ito (tagilid ito...)
6.) Refresh my vocabulary and spelling
7.) Ngumiti kapag may nag complain na customer
8.) Wag uminit ang ulo kapag hapon na nakapag lunch (tagilid rin...)
9.) O mas tama yatang mag lunch on time?
10.) Matuto ng mag drive kahit may kasalubong
11.) Mag gym
12.) Take 8 glasses of water a day
13.) Umuwi na kahit na hinihila ng mall ang paa
14.) Matulog ng maaga at....
15.) Wag ng mag snooze sa alarm clock
16.) Agahan ng 15 mins pa ang pasok sa office
17.) Wag ubusin ang isang pack ng yakult
18.) Wag kumuha ng mga litratong walang katuturan
19.) Isara ang bibig kung walang magandang sasabihin
20.) Wag tulugan ang night prayer
21.) Ituloy ang aking photography lessons
22.) Pag aralan mabuti ang Investment Funds!!!
23.) Maniwala pag may nagsabing parang nasa late 20's lang ako (naks!)
24.) Di na ko papagupit ng short as in!!!!
25.) Fun Run! Fun Run!
26.) Dalasan ang pagdalaw sa adoracion chapel
27.) Bawasan ang taho!!!
28.) Mag reply agad sa text!
29.) Pang huling bridesmaid ko na sa taong ito!!!!!
30.) Wag manungkit ng alkansya
31.) I perfect ang chiffon cake ng walang kodiko!!
32.) Maging sweet sa phone (tagilid pa rin...)
33.) Mag prito ng isda na hindi tumatakbo pag pumisik ang mantika
34.) Eat more greens!!!
35.) Maniwala pag may nagsabing cute ako!!!
36.) Magsabi ng " I miss you" kapag nararamdaman....
37.) Open my heart...
38.) Wag magseryoso!!!

Bleeeeehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!

Sunday, December 13, 2009

Christmas Gift



Not everyone is being recognize for heroism. Thank you BPI.

Sunday, December 6, 2009

Wow meron akong isang fan! hahahahaha!!!!!!

"Hi. Avid fan mo n q s blog mo, read lang tamad me mag post comment eh"

O AYAN PINOST KO -THANKS RHONEIL HEHEHE!! (CORRECT BA SPELLING NG NAME? PARANG SECRETARY LANG NAMAN AKO NUNG HIGH SCHOOL)

Thursday, December 3, 2009

Tinangay ni Ondoy ang aking saplot
Kung kaya't medalya lang ang aking suot
Mabuti't may nag donate ng shorts
May t shirt pang ang brand ay red cross

Ang aking mga laruan naglutang lutang
Sa putikan ay nagmistulang hinalong kalamay
Nasaan na kaya ang aking crocs?
Baka sa imburnal sumuot

Oh mahiwagang dahon, ako ay may hiling
Pasayahin ang Pasko namin!
...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger