Monday, February 8, 2010

"santino" (borrowed photos from julie anne-benitez)





Sa panahon ngayon bihira na sa mga telenovela ang inaabot ng isang taon sa ere. Hindi katulad noong panahon ni Floredeluna at Analiza na halos limang taon nang binubugbog ng madrasta ang bata ay hindi pa rin matagpuan ang tunay na kapatid o dili kaya ang tunay na kalayaan. Halos limang taon na puro kaning lamig ang kinakain, limang taon na naglalampaso ng sahig habang sinisipa sipa o kaya hinahagisan ng labada sa poso. Sa madaling salita limang taong hinahanapan ng wakas ang drama. Dahil sa maraming tumatangkilik at tubong lugaw ang mga network.

Hanggang dumating sa ating buhay si " SANTINO" . . . . Isang taon ang inabot nito at masasabi kong may mga ibang taong ayaw pa itong magwakas. Samut saring istorya ang pina ikot ikot na sa kabila ng alam nating pinahahaba na lamang ito ay patuloy pa rin nating pinanonod.

Ang akala ng lahat ay mamatay sya, maraming naloko.....subalit sya ay isang miracle boy ng Bagong Pag asa ...binuhay sya ni Bro.....hindi upang magpagaling ng mga may sakit kundi upang mabuhay na isang normal na bata....makatakbo.....makapaglaro....makapag palipad ng saranggola....

Nakaka miss naman ang boses ni Bro....

Saludo ako sa bumubuo ng crew ng Santino....kung nagtagal ako sa inyo baka naging bahagi rin ako ni Santino....sana makagawa ulit kayo ng ganito! Congrats!

No comments:

Post a Comment

...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger