
sa ilang dumatal ang di inaasahan
sa dilim ng mundo'y sumilip mula sa kawalan
nag akalang liwanag ay masusulyapan
subalit ang ngiti'y binawi sa karimlan
nalulunod sa dagat nang biglang may natanaw
akalang magsasagip ay biglang lumutang
ang bangka'y tumaob ang katig ay nalagot
di pa naka aaho'y ngayo'y muling nalulunod
mahirap kumapit sa hangi'y maglambitin
lalo pa't di marunong sumayaw sa saliw ng hangin
mahirap umawit ng walang himig
o di kaya'y tumakbo sa malalim na tubig




No comments:
Post a Comment