Sunday, August 9, 2009

Ang sayang balikan!


Sa kanya ako natutong uminom ng gatas ng kalabaw
Kung minsan sinasabaw ang gatas ng kalabaw sa kaning bagong luto
Sabay lalagyan ng asin o di kaya'y asukal

Dahil sa kanya kaya ko nalakad ang tulay na nagdududgtong
Sa Tarlac at Sta Rosa

Kapag pasko, sya ang nagdadala sa amin sa Christmas party ng Knights of Columbus
Kaya dapat preparado kami sa aming mga tula, sayaw o awit
Dahil ipagpaparangalan ka nya sa stage
Masaya naman ang reward, kadalasan isang box ng curly tops o kaya pretzel

Sya ang nakapag memorize sa akin ng Lupang Hinirang at Panatang Makabayan
Bilang isang lingkod ng bayan madalas kami sa munisipyo
Kaya nahihiya man ako noon wala akong magagawa
Kapag pinakanta nya ako ng Lupang Hinirang
Sa harap ng kanyang mga amigos

At ako ang kasama nyang sakay ng lumang volks nang
muntik na kaming mabangga ng Baliuag transit sa Maharlika Hi way

Dahil rin sa kanya kaya kami nakakarating ng peryaan
Nakapasok sa mga kubol ng mga taong kumakain ng buhay na manok
Mga taong labing lima ang daliri sa kamay
O di kaya'y mga taong nagpapanggap na gagamba

Sya ang nagbigay sa akin ng unang set ko ng palayok
Na pinaglulutu lutuan namin kapag nagbabahay bahayan kami
Kulay pula yun natatandaan ko
Binili namin nuong minsang fiesta sa Cabiao

Sya ang kasama ko ng masiraan kaming minsan sa North Diversion
Iniwan ang sasakyan at pumara ng service ng Meralco
Para makalagpas ng toll gate

Sya ang nagsakay sa akin sa roller coaster
Ang nagpapasyal sa amin sa park
Kahit na kinakagat na ng langgam ang binti ko sa swing

Dahil sa kanya kaya kami nakapaligo sa ulan
Na nagtataka ang lahat kung bakit sabay sabay kaming nilagnat
Pero walang umamin sa amin ng dahilan

Sa kanya ko natutuhan na ang puno pala ng kamias
Dapat sinasabon para mas dumami ang bunga

Sa kanya ko rin nakita ang halaga ng bente pesos

Sya ang nagtayo ng unang bahay kubo na laruan namin
Ang nagtahi ng pajama ko kasi sobrang likot kong matulog

Sa kanya ko natutuhan na ang fita masarap pag sinawsaw sa pepsi
Na ang hotcake ay pwedeng lagyan ng niyog
At ang camaron rebosado ay the best

Sa kanyang mukha ko nabakas ang saya na dulot ng christmas lights pag pasko

Sya ang nagturo sa akin kung paano sukatin ang circumference

At sya ang pinakamagandang gumawa ng pamaypay

At sa kanya ko nakuha ang lahing makata

Hindi kahit kailan man ako nakakita ng kalungkutan
Sa kanyang mukha palaging bakas ay kaligayahan
Ngayon malapit na ang kanyang kaarawan
Lolo mananatili ka sa puso magpakailanman...

(our last photo together,taken on new year's day)

3 comments:

  1. gusto ko ang mga ganitong pagbabalik. maganda. mga memories na walang kapantay.

    ReplyDelete
  2. ay ganda naman friend!

    ReplyDelete
  3. Ngayon ko lang nalaman na dapat sinasabon ang puno ng kamias para mas dumami ng bunga, how true is this? I'll try to do it.

    ReplyDelete

...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger