Stranded ang bus
Ang ulan kasi ang lakas lakas!
Lahat ng sakay panay ang tsk tsk tsk!
May mangyayari ba kung tayong lahat ay papalatak?
Kung hindi uso ang ipod? paano ka na?
At kung ang load mo ay naghihingalo na?
Paano kung ang tiyan mo ay kumakalam na?
Naka apat na pelikula ka na!
Sa halip na mainip, ginawa kong itong tula
Habang ang ulan ay rumaragasa
Sa bintana ng bus parang batong tumatama
Kasabay ng hanging may himig na kay saya
Mabuti na lang sa bag ko ay may nakapa
Isang plastic na belekoy na may linga
Pantawid gutom hanggang sa dulo ng Edsa
Marahil kayo ay magtataka
Iisipin nyong ako'y nababaliw na
Sorry na lang ang utak ko'y gumagana
Lalo na't ganitong walang magawa
Hay! belekoy mahal na mahal kita
Hayaan mo bukas bibilhin ulit kita!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
About Me
...how can you be truthful to yourself...




Mabuti pa ang mga maliliit na bagay
ReplyDeletesa kabila na ito'y mahirap makita'y
sa oras ng pangangailang'y
nagiging ganap ang buhay
Tulad ng iyong belekoy
sa payak nitong kaanyuan'y
nakapagtawid so iyo hanggang bahay
Sana'y ako rin ay may natatagong belekoy
kapag kinailangan sa oras ng lumbay,
sa kabila ng lungkot may ngiting dadaloy
Hay belekoy ko! kailan magiging ganap ang iyong buhay!
People thought that we were twins growing up. Anything that my Mom buys, Sanse would have the same thing. Enjoy naman kasi I have always thought of her as my sister.
ReplyDeleteMasaya pag kasama si sanse,kwela kasi lagi. Naroong magbasa ng dedication sa mga songhits sabay change pa ng voice...kasama si Toperiano. Rayot talaga!
Remember ang tape recorder sa kwarto ni Lolo para i-record ang "hello Summer..."
Those were the days talaga...but here we are continents apart and yet walang pinagbago. Basta't ikaw pa rin ang kakambal ko...si Sanse.
... and remember we would ride at the back of the blue pick up and shout our lungs out!!! and the five of us at your honda civic singing " never knew love like this before" waaaahhhhh!!!I miss you wena! Don't worry I'll see you in Toronto, that's a promise!!! blade sa pagitan ng ngipin, who would forget that!!!
ReplyDelete