Friday, November 6, 2009




Minsang tanungin ako ng aking ama kung ano ang meron sa google. Madalas kasi nyang mabasa sa periodiko. Sa mundo ngayon ng bagong teknolohiya at sa edad nya ay di naman nakapag tatakang hindi nya talaga alam ang google. At sinundan pa ng tanong na ano ang website? Sa abot lang din ng aking simpleng nalalaman ang naging pagpapaliwanag ko sa kanya.

At ang sabi nya- "sa madaling salita ay talagang wala ng gumagamit ng encyclopedia"

At ang wakas ng aming usapan ay i google ko ang lyrics ng kanyang paboritong awitin.

Noong bata bata pa ako naiirita ako kapag matutulog na sa gabi at patutugtugin na ang awit na ito. Pero habang tumatanda ako at patuloy na naririnig ito aba'y hinahanap hanap ko na ang himig nito.

Eto na ang liriko may kalakip pang litrato ko....



Don't look so sad
I know it's over
But life goes on
And this old world
Will keep on turning
Let's just be glad
We had some time to spend together
There's no need to watch the bridges
That we're burning

Lay your head,
Upon my pillow
Hold your warm and tender body
Close to mine
Hear the whisper of the raindrops
Blowing soft, against the window
And make believe you love me,
One more time,
For the good times

I'll get along
You'll find another
And I'll be here
If you should find,
You ever need me
Don't say a word
About tomorrow, or forever
There'll be time enough for sadness
When you leave me

Lay your head
Upon my pillow
Hold your warm and tender body
Close to mine
Hear the whisper of the raindrops
Blowing soft against the window
And make believe you love me
One more time
For the good times

Monday, November 2, 2009

My Birthday!







Thanks for remembering my special day!!!

Tuesday, October 27, 2009

Thanks Wena!

People thought that we were twins growing up. Anything that my Mom buys, Sanse would have the same thing. Enjoy naman kasi I have always thought of her as my sister.

Masaya pag kasama si sanse,kwela kasi lagi. Naroong magbasa ng dedication sa mga songhits sabay change pa ng voice...kasama si Toperiano. Rayot talaga!

Remember ang tape recorder sa kwarto ni Lolo para i-record ang "hello Summer..."

Those were the days talaga...but here we are continents apart and yet walang pinagbago. Basta't ikaw pa rin ang kakambal ko...si Sanse.
October 26, 2009 8:02 PM


Thank you cuzin, just in time for my birthday! I miss you too and I lav yah! No matter what- "blade sa pagitan ng ngipin". hahahahaha!!!!!! love, sanse!

Thursday, October 8, 2009

FOR HUNTER- a few pics in boyoyoy's house













"Pards, ches and casey swim swim, there is water and trash, and trash and water, and rain! splash! splash!!!"- dialogue ni casey-

Thursday, October 1, 2009

Si Ondoy...si Manang...at ang chocomallows...




Salamat...ngayon ko lang nalaman kung gaano ka loyal ang labandera ko, hindi ako iniwan sa gitna ng bagyo at baha.

8:30 ng umaga nag umpisa ng tumaas ang tubig, sabi ko ah hindi naman pumapasok ang tubig sa loob ng apartment kaya ayos lang, relax lang, pero ang bilis parang sunog bigla na lang nasa loob na ng bahay para kang hinahabol.

Wala kaming nagawa kung hindi mag akyat ng ilang gamit na kaya naming buhatin. Nang nasa tuhod ko na ang tubig sabi ko "manang, tama na akyat na tayo" sagot nya "hindi kailangan iakyat ang washing machine". Ngayon ko lang naisip kasi yun ang ginagamit nya para makapaglaba kaya kailangan naming maiakyat. Kaya pinagtulungan namin.

Namatay na ang kuryente, hanggang papataas na ng papataas ang tubig, umabot na sa pang apat na baitang ng hagdanan paakyat. Hindi ko ipinahahalata sa kanya na medyo natatakot na ako, paano na kung umabot sa itaas? ano? aakyat kami sa bubong? paano kung walang mag rescue? kung makakapili ako, ayokong malunod at magpalutang lutang at idescribe ng mga reporters na may nakuhang magandang babae!!!! oh my gosh!!!!

Gabi na at lahat ng kandila pati kandila ng mga inanak ko sa binyag ay nagamit na namin. Tsaka lang namin naisip na wala pala kaming naiakyat na pagkain. At kung naiakyat man ang mga de lata, paano namin bubuksan? eh lumulutang na ang abrelata sa ibaba?

Naalala ko ang isang box ng chocomallows na binili ko nung gabi. Binuksan ko, anim ang laman, naghati kami tig tatatlo. Mabuti na lang at may dalawang boteng mineral water kaya may nainom kami. Kinain ko ang tatlong mallows at kumain din sya.
Hindi ako nakakaramdam ng gutom sa totoo lang pero kailangang kumain.

10:00 ng gabi nang nakaramdam ako ng gutom, sabi nya heto yung isang mallows ko hindi ko kinain hati tayo. Habang binubuksan nya ang chocomallows napagmasdan ko ang kanyang mga kamay, kamay ng masipag at pagal na sa paglalaba. Matagal na syang naglalabada sa akin mahigit labinlimang taon na. Pero ngayon lang kami nagkasama ng matagal at nagkaroon ng pagkakataong magkwentuhan tungkol sa mga buhay buhay.
Hinati nya ang mallows at inabot sa akin, sabay sabi ng "alam mo mas masarap ang buhay ko dito kasi kung nasa amin ako malamang na nasa itaas na ako ng bubong kasi mas mataas ang baha duon".Samantalang ako naman ng mga oras na iyon ay naaawa na sa aking sarili dahil ngayon ko lang naranasan iyon buong buhay ko.

Nang hindi pa tumitigil sa pagbuhos ang ulan sabi nya sa akin "kapag kinakailangan ng lumikas sumama ka na sa mga kapitbahay at iwanan mo na ako" Ha? tanong ko-"nakahanda na akong mamatay 78 years old na ako" Sa loob loob ko aba nag da drama.
Sinagot ko sya "manang ako hindi pa nakahandang mamatay" natawa sya.
Hanggang bigla na lang naming napansin na unti unti ng tumitila ang ulan at
tumahimik ang lugar.

Alas dos na pala ng madaling araw. At ng silipin namin ay unti unti na ngang bumababa ang tubig. Kaya sabi ko sa kanya "manang pwede na tayo umidlip hindi na siguro aakayat ang tubig huminto na ang ulan" sagot nya "hindi tayo matutulog, halika bumaba na tayo kailangan na nating maglinis ng bahay"

Hindi ko na kayang ikwento pa ang paglilinis na ginawa namin mula alas dos ng madaling araw hanggang alas sais ng gabi kinabukasan. At hindi ko na rin kayang ulitin ang pagbubuhat ng washing machine, sofa at ang paghabol sa mga unan at stuffed toys ko.

At hindi ko na rin kayang idescribe pa ang mga nakita ko ng nagliliwanag na sa aming lugar. Nakakalungkot man, gusto kong pagtuunan ng pansin ang magandang naidulot nito sa akin.

Salamat Ondoy nakapag bonding kami ni manang...






Wednesday, September 16, 2009

buwan...



(photo taken by cherry somewhere in N.E.)

Nakaupo sa may bintana
Habang hinihintay ka
Ganda ng langit ay pinagmamasdan
Araw’y nagpapaalam na
Unti-unting naglaho ang liwanag
Bituin ay nagdatingan
Mga mata’y nakamasid
Sa nag-iisang
Nakasilip na buwan

Nakaupo sa may bintana
Habang pinapangarap ka
Pangungulila’y labis nang nadarama
Sana’y magbalik na
Araw at buwan ay nagbalikan na
Upang ako ay bantayan
Ngunit wala ka pa rin
Ang tangi kong kapiling
Ay ang liwanag nang nakasilip na buwan


Ilang buwan na rin ang nagdaan
Mula ng ika’y lumisan
Saksi ang buwan ng ako’y pangakuang
Magbabalik, sa pagbabalik ng liwanag ng langit

Mga bitui’y kumukutitap,
Waring sila’y nagsasaya
Ngunit katulad ko, tuwina’y nag iisa
Magsumbong man sa kanya, walang magagawa
Kundi ang lumuha


Ilang buwan na rin ang nagdaan
Mula ng ika’y lumisan
Saksi ang buwan ng ako’y pangakuang
Magbabalik ooh
Sa pagbabalik
Ng liwanag ng langit

Nakaupo sa may bintana

Thursday, September 10, 2009





the last leaf...waiting for the wind to blow ...

the roots died...no more strength to thirst for the waters
but the last leaf continuous to be strong and resilient

no more branches to lean on
but the last leaf emerged from the lightning and the storm

no more trunks no more barks
but the last leaf is unafraid of the raging flood

for it is when you are at your ownself
that you become confident of your own strength...

the last leaf...waiting for the wind to blow ...


("dahon" photo taken by cherry somewhere in antipolo)

Saturday, August 15, 2009

The Velveteen Rabbit


The Velveteen Rabbit, that book along with The Little Prince used to be one of my favorites way back high school. It was subtitled “How to Become Real”. It was really a children’s book that ended up being read by more adults than children.

The most well-known part of book is the passage where the Velveteen Rabbit asks the Skinhorse, “what is real?” They are toys of course and the question literally means how can a toy become real. But in the allegory of the fable it also means “How does a human being become real?” The Skinhorse tells the Rabbit that the only way to become real is to be loved.

I have always found that a very perceptive thought. Being real isn’t what you do; it isn’t what you accomplish. It is what happens to you. Being real doesn’t necessarily mean loving. It means being loved, accepted,though of course no one is going to be loved if she isn’t a good lover herself.

The best part of the passage is when the Skinhorse tells the Rabbit that you can’t become loved, you can’t become real if you break easily, if you have sharp edges, or if you have to be carefully kept. That’s true with toys. Toys that break easily won’t last long enough to be loved by a child for a long time. Sharp toys don’t pass the test of time.

The same is also true with people. People who break easily, people who are too sensitive will never last long. People who have to be handled with care. Nobody can get close enough to them because they chase everybody away.

There is one insight that the Skinhorse shares with the Rabbit. Being accepted doesn’t happen all at once, it takes time. You’ve got to be patient. both with yourself and with others. I’ts funny, but friendships don’t grow overnight, marriages are not built in a week.

It is strange, but so true that when you entered the Real World, there will always be pain and misunderstanding. There is no being real without pain.

(this would somehow make you think a little.....)

Sunday, August 9, 2009

Ang sayang balikan!


Sa kanya ako natutong uminom ng gatas ng kalabaw
Kung minsan sinasabaw ang gatas ng kalabaw sa kaning bagong luto
Sabay lalagyan ng asin o di kaya'y asukal

Dahil sa kanya kaya ko nalakad ang tulay na nagdududgtong
Sa Tarlac at Sta Rosa

Kapag pasko, sya ang nagdadala sa amin sa Christmas party ng Knights of Columbus
Kaya dapat preparado kami sa aming mga tula, sayaw o awit
Dahil ipagpaparangalan ka nya sa stage
Masaya naman ang reward, kadalasan isang box ng curly tops o kaya pretzel

Sya ang nakapag memorize sa akin ng Lupang Hinirang at Panatang Makabayan
Bilang isang lingkod ng bayan madalas kami sa munisipyo
Kaya nahihiya man ako noon wala akong magagawa
Kapag pinakanta nya ako ng Lupang Hinirang
Sa harap ng kanyang mga amigos

At ako ang kasama nyang sakay ng lumang volks nang
muntik na kaming mabangga ng Baliuag transit sa Maharlika Hi way

Dahil rin sa kanya kaya kami nakakarating ng peryaan
Nakapasok sa mga kubol ng mga taong kumakain ng buhay na manok
Mga taong labing lima ang daliri sa kamay
O di kaya'y mga taong nagpapanggap na gagamba

Sya ang nagbigay sa akin ng unang set ko ng palayok
Na pinaglulutu lutuan namin kapag nagbabahay bahayan kami
Kulay pula yun natatandaan ko
Binili namin nuong minsang fiesta sa Cabiao

Sya ang kasama ko ng masiraan kaming minsan sa North Diversion
Iniwan ang sasakyan at pumara ng service ng Meralco
Para makalagpas ng toll gate

Sya ang nagsakay sa akin sa roller coaster
Ang nagpapasyal sa amin sa park
Kahit na kinakagat na ng langgam ang binti ko sa swing

Dahil sa kanya kaya kami nakapaligo sa ulan
Na nagtataka ang lahat kung bakit sabay sabay kaming nilagnat
Pero walang umamin sa amin ng dahilan

Sa kanya ko natutuhan na ang puno pala ng kamias
Dapat sinasabon para mas dumami ang bunga

Sa kanya ko rin nakita ang halaga ng bente pesos

Sya ang nagtayo ng unang bahay kubo na laruan namin
Ang nagtahi ng pajama ko kasi sobrang likot kong matulog

Sa kanya ko natutuhan na ang fita masarap pag sinawsaw sa pepsi
Na ang hotcake ay pwedeng lagyan ng niyog
At ang camaron rebosado ay the best

Sa kanyang mukha ko nabakas ang saya na dulot ng christmas lights pag pasko

Sya ang nagturo sa akin kung paano sukatin ang circumference

At sya ang pinakamagandang gumawa ng pamaypay

At sa kanya ko nakuha ang lahing makata

Hindi kahit kailan man ako nakakita ng kalungkutan
Sa kanyang mukha palaging bakas ay kaligayahan
Ngayon malapit na ang kanyang kaarawan
Lolo mananatili ka sa puso magpakailanman...

(our last photo together,taken on new year's day)

Monday, July 27, 2009

"Belekoy"

Stranded ang bus
Ang ulan kasi ang lakas lakas!
Lahat ng sakay panay ang tsk tsk tsk!
May mangyayari ba kung tayong lahat ay papalatak?

Kung hindi uso ang ipod? paano ka na?
At kung ang load mo ay naghihingalo na?
Paano kung ang tiyan mo ay kumakalam na?
Naka apat na pelikula ka na!

Sa halip na mainip, ginawa kong itong tula
Habang ang ulan ay rumaragasa
Sa bintana ng bus parang batong tumatama
Kasabay ng hanging may himig na kay saya

Mabuti na lang sa bag ko ay may nakapa
Isang plastic na belekoy na may linga
Pantawid gutom hanggang sa dulo ng Edsa

Marahil kayo ay magtataka
Iisipin nyong ako'y nababaliw na
Sorry na lang ang utak ko'y gumagana
Lalo na't ganitong walang magawa

Hay! belekoy mahal na mahal kita
Hayaan mo bukas bibilhin ulit kita!
...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger