Wednesday, June 2, 2010

"kubrador"

Nakakapagtakang sa panahong ito na magpapasukan ay walang masyadong trabaho sa opisina. Bawas ang dating mahabang pila, ang palatak ng kliyente kapag naiinip at ang nakakapagod na pabalik balik dahil sa dami na iyong gagawin.

Maagang nakauwi, mainit sa bahay parang nasa loob ka ng oven toaster. Nakakatamad kumain, kaya't pinagtyagaan ko ang tirang macaroni salad na ginawa ko na kulang man sa mayo ay sagana naman sa pasas.

Kapag nagsawa ka na sa facebook nakakainip na. Ano kaya ang magawa? Nadampot ko ang isang dvd na matagal ng inaalikabok sa ilalim ng tv. At habang lumalaklak ng isang pack ng yakult, inumpisahan ko ang "kubrador"......

Buhay ng isang kubrador....napakatunay....isang asawa, ina at lola, na pangungubra ang ikinabubuhay. Isang simpleng babae na naghahanapbuhay para kumain ng tatlong beses isang araw ang pamilya, marunong siyang magdasal, kahanga hangang sa kabila ng kahirapan ay kayang dalhing mabuhay.

Bakit ba hindi ko pa noon napanuod ang indie film na ito....eh di sana noon ko pa natutunan ang mensahe ng pelikula....that LIFE IS LIKE A GAMBLE, SOMETIMES YOU WIN....SOMETIMES YOU LOSE....BUT FOR THOSE WITHOUT A CHOICE....THE NAME OF THE GAME IS.....SURVIVAL....

2 comments:

  1. I haven't watch the indie film but by guessing in your'e writing it's a good one., your'e blessed by having a wonderful thoughts.

    ReplyDelete

...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger