

Isang bayang araw araw tila fiesta
Sa pagkaing kalye ay mabubuhay ka
Snatchers at bading ay naglipana
Vidioke sa kalye maririndi ka
Amoy ng basura gigising sa iyong umaga
Kaunting ulan lang baha ay rumaragasa
Lamayan front tuwing sabado mayroon sila
Karera ng kabayo kung mahilig ka, parati ditong umaarya
Kung sa boses ni misis ay naririndi na
Mga bars sa kanto pampalipas ligaya
Mga taong grasa o di kaya"y luka luka
Nagkalat sa kalsada tawa ng tawa
Tambay sa kalye, gutom ay di alintana
Ngunit ngiti sa labi nila’y di nawawala
Malayo man ang iyong patutunguhan
Padyak ni manong maihahatid ka
Pag parada ng jeep akala mo’y tahimik na
Yuon pala’y tulugan ng durugista
Kung minsan naisip ni maria
Siya kaya ay katulad na nila?
Subalit sa puso nya bayang ito’y napamahal na
Sapagkat sari saring tao ang kanyang nakilala
Dito rin sya natutong mamuhay mag isa
Lumungkot. . . Lumigaya. . .
Dito’y uuwi sya . . .
(ang litrato ay kuha pa mga dalawang taon na ang lumipas....mula sa isang sunog sa f. cruz....nasigawaan ako ng barangay dito, dahil isa akong malaking usi at sagabal sa bumbero.....)




No comments:
Post a Comment