Wednesday, February 10, 2010

bored?

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid ay puno ng linga.

Ako ang nagsaing… iba ang kumain. Diet ako eh.

An apple a day is too expensive.

An apple a day makes seven apples a week.

Ang buhay ay parang bato, it’s hard.

Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.

Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment.

Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan… ay may stiff neck.

Ang taong nagigipit … sa bumbay kumakapit.

Ang taong naglalakad nang matulin… may utang.

Batu-bato sa langit, ang tamaan… sapul.

Behind the clouds are the other clouds.

Better late than later.

Better late than pregnant.

Birds of the same feather make a good feather duster.

Birds of the same feather that prays together … stays together.

Do unto others … then run!!!

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto … muta lang yan.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.

It’s better to cheat than to repeat!

Kapag ang puno mabunga … mataba ang lupa!

Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.

Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.

Matalino man ang matsing, matsing pa rin.

No guts, no glory… no ID, no entry.

No man is an island because time is gold.

Pag may usok … may nag-iihaw.

Pagkahaba haba man ng prusisyon … mauubusan din ng kandila.

To err is human, to errs is humans.

Try and try until you succeed… or else try another.

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.

When all else fails, follow instructions.

When it rains … it floods.

SALAWIKAIN. Please complete the sentence: Ang taong walang kibo…
A. nasa loob ang kulo.
B. ay ngo-ngo.
C. hindi naintindihan ang kwento.
D. may singaw sa nguso.
E. huminto ang puso.
F. ay dedo.
G. ay hindi naligo ...

Monday, February 8, 2010

"santino" (borrowed photos from julie anne-benitez)





Sa panahon ngayon bihira na sa mga telenovela ang inaabot ng isang taon sa ere. Hindi katulad noong panahon ni Floredeluna at Analiza na halos limang taon nang binubugbog ng madrasta ang bata ay hindi pa rin matagpuan ang tunay na kapatid o dili kaya ang tunay na kalayaan. Halos limang taon na puro kaning lamig ang kinakain, limang taon na naglalampaso ng sahig habang sinisipa sipa o kaya hinahagisan ng labada sa poso. Sa madaling salita limang taong hinahanapan ng wakas ang drama. Dahil sa maraming tumatangkilik at tubong lugaw ang mga network.

Hanggang dumating sa ating buhay si " SANTINO" . . . . Isang taon ang inabot nito at masasabi kong may mga ibang taong ayaw pa itong magwakas. Samut saring istorya ang pina ikot ikot na sa kabila ng alam nating pinahahaba na lamang ito ay patuloy pa rin nating pinanonod.

Ang akala ng lahat ay mamatay sya, maraming naloko.....subalit sya ay isang miracle boy ng Bagong Pag asa ...binuhay sya ni Bro.....hindi upang magpagaling ng mga may sakit kundi upang mabuhay na isang normal na bata....makatakbo.....makapaglaro....makapag palipad ng saranggola....

Nakaka miss naman ang boses ni Bro....

Saludo ako sa bumubuo ng crew ng Santino....kung nagtagal ako sa inyo baka naging bahagi rin ako ni Santino....sana makagawa ulit kayo ng ganito! Congrats!

Monday, February 1, 2010

is that you cherry?


WHAT MAKES SOME PEOPLE DEARER IS NOT JUST THE HAPPINESS WHICH YOU FEEL WHEN YOU MEET THEM....BUT THE PAIN YOU FEEL WHEN YOU MISS THEM....
...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger