
(Nalikha ang tulang ito noong isang gabing black out... kung minsan may mga bagay tayong nagagawa sa ating kapwa na lingid sa ating kaalaman...ay nagsisilbing inspirasyon o aral na nadadala nila habang buhay...)
Binigyan mo ng pakpak ang aking diwa
Upang malikha itong tula
Sa alapaap ako'y naghagilap
Sa hangin ng kawalan ako'y nangapa
Binigyan mo ng pakpak ang aking diwa
Upang malikha itong tula
Ang puso'y lumipad na parang alitaptap
Sa dilim ng gabi'y nagsilbing liwanag
Binigayn mo ng pakpak ang aking diwa
Upang malikha itong tula
Binuksan ang pinto na nagtatago sa dilim ng ulap
Upang kalangitan ay masulyapan
Binigyan mo ng pakpak ang aking diwa
Upang malikha itong tula
Nagsilbing tanglaw sa kandilang walang pabilo
Kung kaya't natutuhang magpakatotoo
Binigyan mo ng pakpak ang aking diwa
Upang malikha itong tula
Ang nagtatagong sinag
Binigyan mo ng gintong liwanag




No comments:
Post a Comment