Tuesday, February 17, 2009

excerpt sa unang entry ko sa filipino writers

...at kung halaman sa tubig ay malayo
at huling takipsilim sa buhay ay dumapo
pag pikit ng matang sa mundo'y nahapo
ay tiyak ang damdaming may ngiting natamo

buhay ay sasarang may ngiting lagusan
iikot bababa kung minsa'y sa kaitaasan
kaya't huwag kasiguro't di batid ng kaalaman
kung kailan ang pagbawi ng poong maykapal

galak at lumbay na dala ng bukas
at init ng apoy na sadyang may ningas
ay ang angking buhay na nagpupumiglas
sa ikot ng kapalarang bawat tao'y likas...

No comments:

Post a Comment

...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger