Saturday, January 3, 2009

ang baul at ang sampung araw na bakasyon...

...sampung araw ang bakasyon..bago mag pasko sa loob loob ko lang marami akong magagawa..natapos ang pasko...wala akong magawa dahil lahat ng kasama ko sa lakwatchahan ay nasa ibang bansa na...si ate..at ang happy cuzins nasa abroad na lahat...kung nandito lang sila siguradong malayo na ang narating namin!!!
naisip kong ito ang tamang panahon para mag ayos ng cabinet...halu halong lumang damit,bagong damit,lumang gamit bagong gamit..magulo...sa wakas naayos ko rin..isang araw na nanunuod ako ng tv...hinihintay ko kung mananalo ng 1 million yung bata sa wowowee....biglang nag black out...pagod na naman ang mata ko sa kakatulog...napabaling ang tingin ko sa baul sa may sala...naiisipan ko tuloy itong buksan at sa isip isip ko pwede ng itapon ang mga laman na inaamag na...sa aking pagbukas bumungad sa akin ang ERUDITE, isa sa mga school paper sa st paul nuong college days...may tula pala akong nailathala dito... nakalimutan ko na..marahil iyon ang dahilan kung bakit nakatago ang erudite na ito...sumunod ang isang script na isinulat ko sa writing class...ang title "NANG MADUNGISAN ANG LANGIT"...natatandaan ko na isa itong script na ito sa nagustuhan ng college prof ko...sumunod ang mga litrato ng mga barkada ko sa don bosco tagaytay...paborito namin mag retreat duon...oo nag re retreat ako hano? di naman ako ganung pasaway!!!
sumunod ang thesis namin ni roy...OPM noon at ngayon...palalim ng palalim ang nahuhugot ko sa baul parang patanda ng patanda ang mga gamit...sa kahuhukay ko may nakita kong love letter..nuong high school....bwahahaha!!!! kasunod nito valentines card na ibinigay sa akin ng best friend ko nuong elementary....si ria...hindi ko na alam kung nasaan na sya ngayon..basta ang alam ko magkaibigan kami nuon...nakakatuwa...ang akala ko ay itatapon ko na ang laman ng baul...hindi ko pala kayang itapon...dahil hindi pala basura ang laman kundi mga alaala ng mga taong naging bahagi ng buhay ko noon...hindi man ako nakapasyal ng buong bakasyon malayo naman ang aking narating kasama ang mga alaala ng laman ng baul...kaibigan..pag ibig...

1 comment:

  1. So sweet! I miss the part of me who always have something to remind of my past. Is it because I regret it or I just want to move on with my life? The only things that remind me of my past is what I am now. What I have become.

    ReplyDelete

...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger