Monday, December 22, 2008

maligayang pasko...

... nakakalungkot minsan kapag naririnig kong sinsabi sa mga batang paslit na hindi totoo si santa claus...sana kahit sa sandaling panahon ng kanilang pagkabata ay hayaan natin silang maniwala kay santa claus...maliit man o malaki...mahal man o mura ang laman ng kanilang medyas pag gising sa araw ng pasko... sa bata walang mahal o murang laruan...lahat sa mata ng bata at sa kanilang pakiramdam ang lahat ay pare pareho lamang...kapag walang laman ang medyas mo sa araw ng pasko...hindi ibig sabihin ay nakalimutan ka nya..nakalista ka pa rin sa kanyang puso...marahil may ibang batang mas nangangailangan...lahat tayo ay may santa claus sa buhay...ang mga taong nagmamahal at nakaka alala sa atin araw man ng pasko o hindi...ang paniniwala ng bata kay santa claus ang nagtuturo sa kanilang lumaki ng may pagtitiwala at pag asa...pagtitiwala na kung sila ay magiging mabuti buong taon...may regalo si santa claus...pag asa na kung kung walang lamang regalo ang medyas nila ngayon...ay may susunod pa uling pasko...simple pero malalim...

No comments:

Post a Comment

...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger