Wednesday, October 15, 2008
tatlong lollipops...(para kay lani at bles)
naalala ko ang scene na iyan sa buhay natin...ang tatlong lollipops...na sana ay naibigay sa atin bilang pamasko ng batang paslit...minsan itinatanong ko sa aking sarili...ano kaya ang nangyari kung naibigay sa atin ang lollipops? siguro mas masaya sya nuong araw na iyon hano? minsan ayoko na alalahanin ang mga ganitong bagay kasi nakakalungkot...kaya lang sila ang nagbibigay sa atin ng inspirasyon para mahanap natin ang dahilan kung bakit minsan sa kabila ng mga pagsubok...tayo ay naririto pa rin...maaaring sa kanya ay nabura na ang t shirt...o sa tagal ng panahon ay nakalimutan na nya tayo...pero minsan sa ating buhay may mga alaala na hindi nabubura...napasaya man tayo o napaiyak...minsan nanatili ito sa ating mga puso...matagal tagal na ding panahon iyon...pero tingnan mo hanggang ngayon ay dala dala mo pa rin...ang natutuhan ko sa pakikipag kaibigan natin sa batang ito...walang pinipili ang pakikipag kaibigan...totoo ang sinsabi nila...walang mayamang hindi nangangailangan...at walang mahirap na walang maibibigay...kung isa akong director...gagawin kong slow motion ang scene ng paglingon mula sa bintana ng kotse....habang nawawala sa iyong paningin ang lollipops na hawak ni bodjie...kasabay ng paglaho ni bodjie.... ang isang napakagandang ala alang dadalhin natin hanggang tayo ay gumigising sa bawat araw...at hanggang ang ating mga puso ay hindi napapagod magmahal....haaaayyyy!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
About Me
...how can you be truthful to yourself...




No comments:
Post a Comment