Wednesday, September 24, 2008
luha
bakit ba naimbento ang luha? kapag sanggol ka pa lumuluha ka siguro kapag gutom ka o kapag nawalay ka sa iyong ina...ang tawag yata duon ay uha? Nang maging bata ka na..lumuluha ka pa rin..kapag hindi ka naibili ng lobo sa harap ng simbahan... o kaya ng cotton candy dahil may tonsilitis ka...pag malaki laki ka na lumuluha ka pa rin...kapag tinutukso ka sa school o kapag ayaw mo ang palaman ng baon mong sandwich...o kaya pag ayaw mo ang color ng bag na naibili sa iyo kapag malapit na ang pasukan....kapag nasa high school ka na lumuluha ka pa rin...lalo na pag hindi ka nakasagot sa exam... o kaya napahiya ka dahil di mo nasagot ang tanong ng teacher... o kaya natalo ka sa student council...kapag college ka na..lumuluha ka pa rin... kasi may deadline ang term paper at sagad sa oras... o kaya nahuli ka ni sister kasi ayaw mong mag attend ng mass pag first friday...kapag may work ka na...lumuluha ka pa rin kasi minsan ayaw mo nang pumasok...tinatamad ka na or minsan naisip mo minsan na di worth ang pagtitiyaga mo...minsan naman lumuluha ka kasi nasasaktan ka...kung naipit ang daliri mo gaya ko hehehe...o kaya kapag nalulungkot ka na minsan eh wala namang dahilan....kaya ko naisulat ito kasi umuwi ako na sobrang lakas ng ulan... yung patak ng ulan parang luha....sobrang laki ng patak na tumama sa braso ko...sana wag naman akong lumuha ng ganitong kalakas....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
About Me
...how can you be truthful to yourself...




pinakamasakit ang umiyak na walang luha.
ReplyDeletepuede ring tingnan sa ibang perspektibo, lumuluha ka dahil maligaya ka...
at ang patak sa braso mo, parang holy water...blessing.
Twinship,
ReplyDeleteCrying is an outlet, sometimes it feel good to cry, because you are letting out a pent up feeling. And crying is not a sign of weakness, like what I used to think.
Or what Robert Smith said in his song "boy's don't cry" but then we are not a boys.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteyah true! i miss you roy!!!
ReplyDelete