Sunday, December 13, 2009

Christmas Gift



Not everyone is being recognize for heroism. Thank you BPI.

Sunday, December 6, 2009

Wow meron akong isang fan! hahahahaha!!!!!!

"Hi. Avid fan mo n q s blog mo, read lang tamad me mag post comment eh"

O AYAN PINOST KO -THANKS RHONEIL HEHEHE!! (CORRECT BA SPELLING NG NAME? PARANG SECRETARY LANG NAMAN AKO NUNG HIGH SCHOOL)

Thursday, December 3, 2009

Tinangay ni Ondoy ang aking saplot
Kung kaya't medalya lang ang aking suot
Mabuti't may nag donate ng shorts
May t shirt pang ang brand ay red cross

Ang aking mga laruan naglutang lutang
Sa putikan ay nagmistulang hinalong kalamay
Nasaan na kaya ang aking crocs?
Baka sa imburnal sumuot

Oh mahiwagang dahon, ako ay may hiling
Pasayahin ang Pasko namin!

Tuesday, December 1, 2009

Maguindanao Massacre




Ano nga bang mayroon sa pulitika?
Nagpapatayan sila?
Ano nga ba ang ibig sabihin ng hustisya?
Nalalaman nyo pa ba?

Sa mula't mula pa'y ganito na
May magandang bukas pa ba ang umaga?
Paano na ang mga naulila?
Ang sagot ba ay wala na?

Kung sa lupa kaya'y ibaon ka?
At sa sentidoy' barilin ka?
Parang naririnig ko ang mga sigaw nila!!!!

Friday, November 6, 2009




Minsang tanungin ako ng aking ama kung ano ang meron sa google. Madalas kasi nyang mabasa sa periodiko. Sa mundo ngayon ng bagong teknolohiya at sa edad nya ay di naman nakapag tatakang hindi nya talaga alam ang google. At sinundan pa ng tanong na ano ang website? Sa abot lang din ng aking simpleng nalalaman ang naging pagpapaliwanag ko sa kanya.

At ang sabi nya- "sa madaling salita ay talagang wala ng gumagamit ng encyclopedia"

At ang wakas ng aming usapan ay i google ko ang lyrics ng kanyang paboritong awitin.

Noong bata bata pa ako naiirita ako kapag matutulog na sa gabi at patutugtugin na ang awit na ito. Pero habang tumatanda ako at patuloy na naririnig ito aba'y hinahanap hanap ko na ang himig nito.

Eto na ang liriko may kalakip pang litrato ko....



Don't look so sad
I know it's over
But life goes on
And this old world
Will keep on turning
Let's just be glad
We had some time to spend together
There's no need to watch the bridges
That we're burning

Lay your head,
Upon my pillow
Hold your warm and tender body
Close to mine
Hear the whisper of the raindrops
Blowing soft, against the window
And make believe you love me,
One more time,
For the good times

I'll get along
You'll find another
And I'll be here
If you should find,
You ever need me
Don't say a word
About tomorrow, or forever
There'll be time enough for sadness
When you leave me

Lay your head
Upon my pillow
Hold your warm and tender body
Close to mine
Hear the whisper of the raindrops
Blowing soft against the window
And make believe you love me
One more time
For the good times

Monday, November 2, 2009

My Birthday!







Thanks for remembering my special day!!!

Tuesday, October 27, 2009

Thanks Wena!

People thought that we were twins growing up. Anything that my Mom buys, Sanse would have the same thing. Enjoy naman kasi I have always thought of her as my sister.

Masaya pag kasama si sanse,kwela kasi lagi. Naroong magbasa ng dedication sa mga songhits sabay change pa ng voice...kasama si Toperiano. Rayot talaga!

Remember ang tape recorder sa kwarto ni Lolo para i-record ang "hello Summer..."

Those were the days talaga...but here we are continents apart and yet walang pinagbago. Basta't ikaw pa rin ang kakambal ko...si Sanse.
October 26, 2009 8:02 PM


Thank you cuzin, just in time for my birthday! I miss you too and I lav yah! No matter what- "blade sa pagitan ng ngipin". hahahahaha!!!!!! love, sanse!

Thursday, October 8, 2009

FOR HUNTER- a few pics in boyoyoy's house













"Pards, ches and casey swim swim, there is water and trash, and trash and water, and rain! splash! splash!!!"- dialogue ni casey-

Thursday, October 1, 2009

Si Ondoy...si Manang...at ang chocomallows...




Salamat...ngayon ko lang nalaman kung gaano ka loyal ang labandera ko, hindi ako iniwan sa gitna ng bagyo at baha.

8:30 ng umaga nag umpisa ng tumaas ang tubig, sabi ko ah hindi naman pumapasok ang tubig sa loob ng apartment kaya ayos lang, relax lang, pero ang bilis parang sunog bigla na lang nasa loob na ng bahay para kang hinahabol.

Wala kaming nagawa kung hindi mag akyat ng ilang gamit na kaya naming buhatin. Nang nasa tuhod ko na ang tubig sabi ko "manang, tama na akyat na tayo" sagot nya "hindi kailangan iakyat ang washing machine". Ngayon ko lang naisip kasi yun ang ginagamit nya para makapaglaba kaya kailangan naming maiakyat. Kaya pinagtulungan namin.

Namatay na ang kuryente, hanggang papataas na ng papataas ang tubig, umabot na sa pang apat na baitang ng hagdanan paakyat. Hindi ko ipinahahalata sa kanya na medyo natatakot na ako, paano na kung umabot sa itaas? ano? aakyat kami sa bubong? paano kung walang mag rescue? kung makakapili ako, ayokong malunod at magpalutang lutang at idescribe ng mga reporters na may nakuhang magandang babae!!!! oh my gosh!!!!

Gabi na at lahat ng kandila pati kandila ng mga inanak ko sa binyag ay nagamit na namin. Tsaka lang namin naisip na wala pala kaming naiakyat na pagkain. At kung naiakyat man ang mga de lata, paano namin bubuksan? eh lumulutang na ang abrelata sa ibaba?

Naalala ko ang isang box ng chocomallows na binili ko nung gabi. Binuksan ko, anim ang laman, naghati kami tig tatatlo. Mabuti na lang at may dalawang boteng mineral water kaya may nainom kami. Kinain ko ang tatlong mallows at kumain din sya.
Hindi ako nakakaramdam ng gutom sa totoo lang pero kailangang kumain.

10:00 ng gabi nang nakaramdam ako ng gutom, sabi nya heto yung isang mallows ko hindi ko kinain hati tayo. Habang binubuksan nya ang chocomallows napagmasdan ko ang kanyang mga kamay, kamay ng masipag at pagal na sa paglalaba. Matagal na syang naglalabada sa akin mahigit labinlimang taon na. Pero ngayon lang kami nagkasama ng matagal at nagkaroon ng pagkakataong magkwentuhan tungkol sa mga buhay buhay.
Hinati nya ang mallows at inabot sa akin, sabay sabi ng "alam mo mas masarap ang buhay ko dito kasi kung nasa amin ako malamang na nasa itaas na ako ng bubong kasi mas mataas ang baha duon".Samantalang ako naman ng mga oras na iyon ay naaawa na sa aking sarili dahil ngayon ko lang naranasan iyon buong buhay ko.

Nang hindi pa tumitigil sa pagbuhos ang ulan sabi nya sa akin "kapag kinakailangan ng lumikas sumama ka na sa mga kapitbahay at iwanan mo na ako" Ha? tanong ko-"nakahanda na akong mamatay 78 years old na ako" Sa loob loob ko aba nag da drama.
Sinagot ko sya "manang ako hindi pa nakahandang mamatay" natawa sya.
Hanggang bigla na lang naming napansin na unti unti ng tumitila ang ulan at
tumahimik ang lugar.

Alas dos na pala ng madaling araw. At ng silipin namin ay unti unti na ngang bumababa ang tubig. Kaya sabi ko sa kanya "manang pwede na tayo umidlip hindi na siguro aakayat ang tubig huminto na ang ulan" sagot nya "hindi tayo matutulog, halika bumaba na tayo kailangan na nating maglinis ng bahay"

Hindi ko na kayang ikwento pa ang paglilinis na ginawa namin mula alas dos ng madaling araw hanggang alas sais ng gabi kinabukasan. At hindi ko na rin kayang ulitin ang pagbubuhat ng washing machine, sofa at ang paghabol sa mga unan at stuffed toys ko.

At hindi ko na rin kayang idescribe pa ang mga nakita ko ng nagliliwanag na sa aming lugar. Nakakalungkot man, gusto kong pagtuunan ng pansin ang magandang naidulot nito sa akin.

Salamat Ondoy nakapag bonding kami ni manang...






...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger