Wednesday, September 16, 2009

buwan...



(photo taken by cherry somewhere in N.E.)

Nakaupo sa may bintana
Habang hinihintay ka
Ganda ng langit ay pinagmamasdan
Araw’y nagpapaalam na
Unti-unting naglaho ang liwanag
Bituin ay nagdatingan
Mga mata’y nakamasid
Sa nag-iisang
Nakasilip na buwan

Nakaupo sa may bintana
Habang pinapangarap ka
Pangungulila’y labis nang nadarama
Sana’y magbalik na
Araw at buwan ay nagbalikan na
Upang ako ay bantayan
Ngunit wala ka pa rin
Ang tangi kong kapiling
Ay ang liwanag nang nakasilip na buwan


Ilang buwan na rin ang nagdaan
Mula ng ika’y lumisan
Saksi ang buwan ng ako’y pangakuang
Magbabalik, sa pagbabalik ng liwanag ng langit

Mga bitui’y kumukutitap,
Waring sila’y nagsasaya
Ngunit katulad ko, tuwina’y nag iisa
Magsumbong man sa kanya, walang magagawa
Kundi ang lumuha


Ilang buwan na rin ang nagdaan
Mula ng ika’y lumisan
Saksi ang buwan ng ako’y pangakuang
Magbabalik ooh
Sa pagbabalik
Ng liwanag ng langit

Nakaupo sa may bintana

Thursday, September 10, 2009





the last leaf...waiting for the wind to blow ...

the roots died...no more strength to thirst for the waters
but the last leaf continuous to be strong and resilient

no more branches to lean on
but the last leaf emerged from the lightning and the storm

no more trunks no more barks
but the last leaf is unafraid of the raging flood

for it is when you are at your ownself
that you become confident of your own strength...

the last leaf...waiting for the wind to blow ...


("dahon" photo taken by cherry somewhere in antipolo)
...how can you be truthful to yourself...

MESSAGE

Blog Archive

Powered By Blogger

FEEDJIT Live Traffic Feed

Viewers' Place

Powered By Blogger