saan ba dumarapo ang mga pangarap na hinabi ng kahapon?
kailan ibinabalik ang panahong nagdaan?
kung ang kalendaryo ba'y napilas na nang kung ilan?
o kung ang buhok ba'y nag tatatlo na ang kulay?
may nagsabing wag nang balikan ang kahapon
ang lahat ay nasa isip na lang
hayaang ang bukas ay gawing pag asa ngayon..
tama..
pasensya na regidor gaboy...binago ko ang taludtod
ng tulang ito..ha ha ha
hanggang sa muling reunion!!!!
Friday, January 16, 2009
Saturday, January 3, 2009
ang baul at ang sampung araw na bakasyon...
...sampung araw ang bakasyon..bago mag pasko sa loob loob ko lang marami akong magagawa..natapos ang pasko...wala akong magawa dahil lahat ng kasama ko sa lakwatchahan ay nasa ibang bansa na...si ate..at ang happy cuzins nasa abroad na lahat...kung nandito lang sila siguradong malayo na ang narating namin!!!
naisip kong ito ang tamang panahon para mag ayos ng cabinet...halu halong lumang damit,bagong damit,lumang gamit bagong gamit..magulo...sa wakas naayos ko rin..isang araw na nanunuod ako ng tv...hinihintay ko kung mananalo ng 1 million yung bata sa wowowee....biglang nag black out...pagod na naman ang mata ko sa kakatulog...napabaling ang tingin ko sa baul sa may sala...naiisipan ko tuloy itong buksan at sa isip isip ko pwede ng itapon ang mga laman na inaamag na...sa aking pagbukas bumungad sa akin ang ERUDITE, isa sa mga school paper sa st paul nuong college days...may tula pala akong nailathala dito... nakalimutan ko na..marahil iyon ang dahilan kung bakit nakatago ang erudite na ito...sumunod ang isang script na isinulat ko sa writing class...ang title "NANG MADUNGISAN ANG LANGIT"...natatandaan ko na isa itong script na ito sa nagustuhan ng college prof ko...sumunod ang mga litrato ng mga barkada ko sa don bosco tagaytay...paborito namin mag retreat duon...oo nag re retreat ako hano? di naman ako ganung pasaway!!!
sumunod ang thesis namin ni roy...OPM noon at ngayon...palalim ng palalim ang nahuhugot ko sa baul parang patanda ng patanda ang mga gamit...sa kahuhukay ko may nakita kong love letter..nuong high school....bwahahaha!!!! kasunod nito valentines card na ibinigay sa akin ng best friend ko nuong elementary....si ria...hindi ko na alam kung nasaan na sya ngayon..basta ang alam ko magkaibigan kami nuon...nakakatuwa...ang akala ko ay itatapon ko na ang laman ng baul...hindi ko pala kayang itapon...dahil hindi pala basura ang laman kundi mga alaala ng mga taong naging bahagi ng buhay ko noon...hindi man ako nakapasyal ng buong bakasyon malayo naman ang aking narating kasama ang mga alaala ng laman ng baul...kaibigan..pag ibig...

Subscribe to:
Comments (Atom)
About Me
...how can you be truthful to yourself...