Sunday, September 28, 2008
i'll see you in september...
The month is almost over...looking back...last sept 10 was my diche's (my beautiful sister sonnet) 8'th year death anniversary...time really flies it seems like yesterday we were together looking for a new pair of native slippers at filipiniana..yah she loves slippers very much and i guess she would have been very happy now kung naabutan nya ang havaiinas...well just miss her very much...last sept 13 my new found friendster Jun celebrated his 30th birthday...i was very busy at the office during that week and i had no time to go to the mall and look for a gift...it was friday na when i rushed to MOA (closing time na nga hehe) to buy something for him... something he can use or display in his new unit... i ended up buying a gift from a a store near the supermarket..actually pagkakita ko pa lang sa gift feeling ko bagay na sa new place nya...came saturday day and i ended up eating eating and eating sa birthday....though it was my first time to be there i'd no choice but to eat and eat... generous sila...infairness di ko kaya lutuin ang mga kinain ko dun...and cute ang place...i also shared with him the lyrics of my favorite song "the blessing"... akin na lang ang lyrics hehehe....sept 27...i woke up a little late since di ako umuwi ng province because i'd be ninang again come sunday...i normally wake up early on weekends para umuwi ng province and spend time with my parents...especially with my father...(kinda sentimental)...walang magawa..kaya nabuo ko tuloy ang one lazy saturday sa album ng friendster ko...i went to luneta and believe it or not i ate dirty ice cream alone...while seating in one of the benches i received a text message from joey...it goes ... life is never about the people who act true to your face..it is always about the people who remain true behind you....hmmmm something to ponder about....
Wednesday, September 24, 2008
luha
bakit ba naimbento ang luha? kapag sanggol ka pa lumuluha ka siguro kapag gutom ka o kapag nawalay ka sa iyong ina...ang tawag yata duon ay uha? Nang maging bata ka na..lumuluha ka pa rin..kapag hindi ka naibili ng lobo sa harap ng simbahan... o kaya ng cotton candy dahil may tonsilitis ka...pag malaki laki ka na lumuluha ka pa rin...kapag tinutukso ka sa school o kapag ayaw mo ang palaman ng baon mong sandwich...o kaya pag ayaw mo ang color ng bag na naibili sa iyo kapag malapit na ang pasukan....kapag nasa high school ka na lumuluha ka pa rin...lalo na pag hindi ka nakasagot sa exam... o kaya napahiya ka dahil di mo nasagot ang tanong ng teacher... o kaya natalo ka sa student council...kapag college ka na..lumuluha ka pa rin... kasi may deadline ang term paper at sagad sa oras... o kaya nahuli ka ni sister kasi ayaw mong mag attend ng mass pag first friday...kapag may work ka na...lumuluha ka pa rin kasi minsan ayaw mo nang pumasok...tinatamad ka na or minsan naisip mo minsan na di worth ang pagtitiyaga mo...minsan naman lumuluha ka kasi nasasaktan ka...kung naipit ang daliri mo gaya ko hehehe...o kaya kapag nalulungkot ka na minsan eh wala namang dahilan....kaya ko naisulat ito kasi umuwi ako na sobrang lakas ng ulan... yung patak ng ulan parang luha....sobrang laki ng patak na tumama sa braso ko...sana wag naman akong lumuha ng ganitong kalakas....
Monday, September 22, 2008
totoo ang sinabi nya
...isa sa pinakamagandang natutuhan ko sa blog ni lani ang linyang ito...HINDI NAMAN KAILANGANG SABIHIN NA IMPORTANTE KA O ESPESYAL...DAHIL HINDI ITO LUMALABAS SA BIBIG.....KUNDI NARARAMDAMAN...oo nga hano?
Monday, September 8, 2008
praning...
...hay naku sino ba kasing may kasalanan?
ikaw di ba? oh alam mo naman pala eh bakit
nagtatanong ka pa?
...ang dami mong iniisip eh alam mo namang
di dapat isipin yan nuon pa?
...sa isang taon ka na lang mag isip...
baka sakaling masagot mo na....
hayaann mo nang matapos ang taong ito...
parang walang nangyari sa buhay mo ngayong taon...
tsk tsk tsk sayang...pero di rin siguro...
isipin mo na lang meron ha! ha! ha!
ikaw di ba? oh alam mo naman pala eh bakit
nagtatanong ka pa?
...ang dami mong iniisip eh alam mo namang
di dapat isipin yan nuon pa?
...sa isang taon ka na lang mag isip...
baka sakaling masagot mo na....
hayaann mo nang matapos ang taong ito...
parang walang nangyari sa buhay mo ngayong taon...
tsk tsk tsk sayang...pero di rin siguro...
isipin mo na lang meron ha! ha! ha!
Sunday, September 7, 2008
sonnet
...walong taon na pala ang lumipas
ang bilis ng panahon..parang kailan lang
ay naririto ka pa sa aming tabi...
natatandaan ko pa na hinihintay mo ang pasko..
...yung tshirt mong yellow yung favorite mo
naitabi ko pa...kasa kasama ko sa apartment..
naalala ka pa ni mang romy...paano pa kaya kami..
...sabi mo noon excited ka sa pupuntahan mo?
kaya alam kong masaya ka dyan...kahit nami miss
ka namin okey lang...basta palagi mo na lang
kaming subaybayan kung nasaan ka man...
yung pinapasabi ko sa iyo ha wag mong kalimutan...
ang bilis ng panahon..parang kailan lang
ay naririto ka pa sa aming tabi...
natatandaan ko pa na hinihintay mo ang pasko..
...yung tshirt mong yellow yung favorite mo
naitabi ko pa...kasa kasama ko sa apartment..
naalala ka pa ni mang romy...paano pa kaya kami..
...sabi mo noon excited ka sa pupuntahan mo?
kaya alam kong masaya ka dyan...kahit nami miss
ka namin okey lang...basta palagi mo na lang
kaming subaybayan kung nasaan ka man...
yung pinapasabi ko sa iyo ha wag mong kalimutan...
Friday, September 5, 2008
walang pamagat
...walang pamagat...
kasi isang malaking katanungan?
ano nga kaya ang dahilan?
sino ka at bakit ka naririto?
ginulo ang nananahimik ko ng puso...
mahirap ipaliwanag ngunit ito ay may dahilan..
maaring ang kasagutan ay bukas pa malalaman..
ako rin kaya'y isa ring katanungan?
ang sagot kaya'y iyong alam?
sa buhay mayroon tayong pinag dadaanan..
mayroon tayong natututunan..
kahit minsan ang kapalit ay kalungkutan..
salamat aking kaibigan?
(isang umagang nagising ng nag iisip 8:45 am)
kasi isang malaking katanungan?
ano nga kaya ang dahilan?
sino ka at bakit ka naririto?
ginulo ang nananahimik ko ng puso...
mahirap ipaliwanag ngunit ito ay may dahilan..
maaring ang kasagutan ay bukas pa malalaman..
ako rin kaya'y isa ring katanungan?
ang sagot kaya'y iyong alam?
sa buhay mayroon tayong pinag dadaanan..
mayroon tayong natututunan..
kahit minsan ang kapalit ay kalungkutan..
salamat aking kaibigan?
(isang umagang nagising ng nag iisip 8:45 am)
salamat kaibigan...
... nang dahil sa aking kaibigang si eggie ko nalaman ang blog na ito...nuong araw he he parang ang tanda ko na ah!!!di naman i mean nuong high school mahilig kaming magsulat..pero lapis at papel lang ang aming gamit, sa likod ng school or sa vacant room...walang computer... mahirap mag edit kasi eraser ang gamit...ngayon high tech na..may blog pa...pwede mo pa i share ang mga naisusulat at nararamdaman mo...actually kakasulat lang namin ngayon ng isang tula...pinag dugtong namin sa YM....nakaka aliw.. ipo post ko na lang po.. ang title... SA IYONG PAGDALAW... salamat kaibigan...
Subscribe to:
Comments (Atom)
About Me
...how can you be truthful to yourself...



